1,579

Oct 8, 2017 @ 16:31

8 produkto ng Healing Galing, hindi rehistrado – FDA

Nagpalabas ng babala ang Food and Drug Administration (FDA) laban sa mga produkto ng Healing Galing matapos madiskubre na ito ay hindi rehistrado sa ahensya.

Sa anim na pahinang advisory na pirmado ni FDA Director General Nela Charade Puno, partikular na pinag-iingat ng ahensya ang publiko sa pagbili ng mga sumusunod:

1. Healing Galing Rhizome Pills

2. Healing Galing Herbal Serpentina Tablets

3. Healing Galing Omega 3 Fish Oil

4. Healing Galing Organic Vitamins B1, B6

5. Healing Galing Organic Vitamin B12

6. Healing Galing Food

7. Healing Galing Black Rice Coffee

8. Healing Galing Pure Honey

Ayon sa FDA, ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act No. 9711 o “Food and Drug Administration Act of 2009” ang paggawa, pagbebenta, pamamahagi at pagpromote ng mga produktong pangkalusugan na walang kaukulang pahintulot mula sa FDA.

“As per Administrative Order 2010-0008, no person shall advertise, promote, or use in any sponsorship any food/dietary supplements unless such product is duly registered and approved by the Food and Drug Adminisration. Therefore, all activities related to the distribution and advertisment of HERBAL GALING are in violation of RA 9711 and AO 2010-0008,” giit ng FDA sa advisory nito.

Dagdag pa ng FDA, dahil hindi dumaan sa kanilang pagsusuri ang mga produkto ng Healing Galing, hindi nila magagarantiya ang kalidad at kaligtasan ng produkto. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?