55

By

‘8’ plaka ng mga kongresista, binawi ng Kamara

Sharing is caring!

Ipinapabalik na ng Kamara ang lahat ng lumang otsong plaka na inisyu sa mga kongresista o dating kongresista na naging miyembro ng nakaraang mga Kongreso.

Kasunod ito ng insidente sa Angeles City, Pampanga na nagamit ng isang road rage suspect na sakay ng FJ Cruiser ang protocol plate na numerong ‘8’ na inisyu noon pang 16th Congress.

Sa manifestation ni House majority leader Rolando Andaya Jr., binasa nito ang utos na pirmado ni House secretary general Roberto Maling.

“We have received reports that certain vehicles with protocol plate number 8 have been spotted in indecent places or figured in crime-related activities. In view of this development, the honorable Speaker has given instructions for the immediate recall of all protocol plates issued during the 16th Congress and earlier. Kindly return these car plates to the office of the secretary-general for proper acknowledgement,” saad sa kautusang binasa ni Andaya.

Noong 16th Congress pa huling nag-isyu ng numero otsong plaka ang Kamara.

Walang ganitong pribilehiyo ang mga miyembro ngayong 17th Congress.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?