21

Sep 3, 2020 @ 11:07
By

8 Pinoy sugatan sa Abu Dhabi blast

Walong Pilipino ang napinsala mula sa gas explosion sa dalawang restaurant sa Abu Dhabi, United Arab Emirates, kabilang ang dalawang bata.

Ayon sa Department of Foreign Affairs kagabi, tatlo sa nabanggit ay nagpapagaling pa rin sa dalawang hiwalay na ospital.

Ang lima naman na iba pa ay na-discharge na mula sa ospital.

“The DFA, through the Embassy, continues to monitor the situation of our fellow Filipinos in the UAE and remains ready to extend assistance,” sabi ng ahensiya.

Naganap ang pagsabog noong Agosto 31 ng umaga sa KFC at Hardee’s restaurants sa Sheikh Rashid Bin Seed Road na isang pangunahing daan patungo sa airport.

Samantala, agad namang namatay mula sa pagsabog ang dalawa pang Pinoy na sina Clark Bacud Gasis at Merriner Goc-ong Bertoces.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?