17

Oct 28, 2020 @ 19:58
By

8 PhilHealth exec sinuspinde ng Ombudsman

Nagpatupad ang Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension without pay laban sa walong opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Kaugnay iyon ng inihaing reklamong grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of service ng National Bureau of Investigation laban sa walong PhilHealth official.

Nag-ugat ang reklamo sa maanomalyang paglalabas ng P2.7 bilyong halaga ng PhilHealth fund sa ilalim ng Internal Reimbursement Mechanism policy.

Kabilang sa mga pinasuspinde sina PhilHealth Executive Vice President at Chief Operating Officer (COO) Arnel de Jesus, PhilHealth COO for Fund Management Sector Renato Limsiaco, PhilHealth Senior Vice President Dr. Israel Paragas, ng Health Finance Policy Sector, at limang iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?