19
views

By

8 patay sa pagsabog ng mortar sa Zamboanga del Norte

Sharing is caring!

Nasawi ang walo katao, kabilang ang isang magsasaka nang sumabog ang isang mortar na kanyang napulot sa Zamboanga del norte.

Nangyari ang insidente noong Miyerkules sa taniman ng goma sa bayan Sirawai na dating battleground ng militar at Islamic militants noong dekada 90.

Namatay si Marcel Antogan, 21, at pito nitong mga kamag-anak at mga kapitbahay habang lima naman ang nasugatan.

Sabi ng mga pulis, tinangkang buksan ni Antogan ang mortar sa pamamagitan ng paglagari dito sa pag-aakalang may laman itong ginto sa loob nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?