186

Oct 30, 2017 @ 13:32

8 patay nang tumaob ang sinasakyang bangka dahil sa pag-selfie

Walo ang kumpirmadong nasawi nang tumabog ang sinasakyan nilang Bangka habang nagsi-selfie sa isang palaisdaan sa Binangonan, Rizal noong Linggo ng hapon.

Ayon sa report ng Unang Balita ng GMA News, bigla na mang tumagilid ang Bangka nang mag-selfie ang isang pasahero na bahagi ng bangka ng walang katig.

Kinilala ang mga nasawi na sina Neymaret Mendoza, Malou Gimena, Marilou Barbo Papa, Frederick Orteza, Weldie Pareno, Roleno Pareno, six-year-old Sean Wilfred Orteza, at dalawang taong gulang na si Jajannah Jensom Parseno.

Limang pasahero lang ang nakaligtas at nakilalang sina

Grace Parena, Merlita Hominez, Gerson Decreto, 10-year-old Joash Pareno, at pitong taon gulang na si Maxine Orteza.

Paniwala ng mga imbestigador nadaganan ng tumaob ng bangka ang mga biktima at hindi na nagawang makalangoy pa.

Wala din umanong suot na life vest ang mga sakay ng bangka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?