41

Nov 25, 2021 @ 18:41
By

8 patay, 17 sugatan sa pambobomba malapit sa eskwelahan

Nasawi ang walo habang sugatan naman ang 17 katao sa isang pambobomba sa Mogadishu sa bansang Somalia nitong Huwebes.

Ayon sa security official, sumabog ang isang sasakyan na malapit sa isang paaralan sa Mogadishu.

Inamin naman ng Al-Shabaab jihadists, isang grupo ng terorista, na sila ang may kagagawan sa nasabing pag-atake.

Ayon pa sa mga awtoridad, 11 estudyante ang kabilang sa mga sugatan na biktima.

Sinabi naman ng mga saksi na pumutok ang bomba matapos dumaan ng isang malaking convoy na lulan ang AMISON troop, puwersa ng African Union na lumalaban sa mga militante.

Kinokontrol ng Al-Shabaab ang bansa bago ito itaboy ng AMISOM troop.

Ngunit hawak pa rin Al-Shabaab ang teritoryo nito sa lugar at naglulunsad pa rin ng pag-atake laban sa gobyerno at sibilyan sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?