54

Nov 9, 2021 @ 16:05

8 pasahero nasagip sa tumaob na bangka sa Cagayan

Walong pasahero ang nasagip mula sa isang motorbanca na tumaob sa bayan ng Calayan, Cagayan, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Martes.

Ayon sa ulat, sinabi ni Ranilo Gumad, may-ari ng motorbanca, na tumagilid ang bangka dahil sa hindi balanseng posisyon ng mga pasahero habang papalapit sa baybayin ng Barangay Poblacion noong Sabado.

Nasaksihan ng PGC ang insidente at agad silang tumulong sa mga pasahero.

Tinulungan din nilang hilahin ang motorbanca sa pampang.

Wala namang naiulat na nasugatan sa nasabing pagtaob.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?