30

Nov 18, 2021 @ 20:31
By

8 pantalan sa Mindoro pinasinayaan ni Duterte

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng walong seaport development project sa lalawigan ng Mindoro.

Ang walong pantalan ay natapos sa pamamagitan ng Build, Build, Build program na magsisilbing gateway ng mga pasahero at mga kalakal mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ng Pangulo ang Department of Transportation (DOTr) at Philippine Ports Authority sa pangangasiwa hanggang sa matapos ang mga proyekto na inaasahang magbibigay ng mas komportableng biyahe at produkto at makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya at turismo sa isla.

“The island of Mindoro plays a significant role in boosting the country’s interconnectivity as it serves as a gateway for passengers and goods coming from Luzon to Visayas and Mindanao and vice versa,” anang Pangulo.

Ang isla ng Mindoro ang isa sa mga lugar na malimit dayuhin ng mga turista kaya aasahang mas maraming mga pasahero at mga passenger vessel ang makikinabang sa walong pantalan.

Limang mga pasilidad pa ang tinatapos ng DOTr sa lalawigan na inaasahang makukumpleto sa loob ng dalawang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?