45

Dec 19, 2017 @ 18:00
By

8 pang flights kanselado sa bagyo

Sa kabila ng pagliit ng lawak na naapektuhan ng bagyong Urduja, may mga biyahe ng eroplano ang kinansela pa rin kahapon.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), ang masamang panahon pa rin ang dahilan ng pagkansela ng mga biyahe sa himpapawid.

Ang mga nakanselang walong biyahe ay ang:

DG 6111/6112 Manila-Naga-Manila

5J 504/505 Manila-Tuguegarao-Manila

5J 196/197 Manila-Cauayan-Manila

5J 506/507 Manila-Tuguegarao-Manila

Nabatid na nagiging problema na rin ng mga kompanya ng eroplano ang pag-urong ng mga biyahe dahil may mga pasahero na rin ang may mga naitakdang biyahe sa mga susunod na lipad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?