20

Jul 15, 2021 @ 20:13
By

8 opisyal ng Navy nilinis sa Pestaño case

Inabsuwelto ng Supreme Court (SC) ang walong nasibak na opisyal ng Philippine Navy (PN) kaugnay sa pagkamatay ni Ensign Philip Andrew Pestaño noong 1995.

Natanggal sa serbisyo ang walong PN official matapos ang pagkamatay ng 23-anyos na si Pestaño, na natagpuang may tama ng bala sa ulo sa loob ng kanyang cabin sa cargo ship BRP Bacolod City.

Naiugnay sa kaso sina retired Navy Capt. Ricardo Ordoñez, Cdr. Reynaldo Lopez, HM2 Welmenio Aquino, Lt. Cdr. Luidegar Casis, Lt. Cdr. Afrederick Alba, MR2 Sandy Miranda, Lt. Cdr. Joselito Colico at retired Petty Officer 2CL Mil Leonor Igcasan matapos lumabas sa imbestigasyon ng Senado at Armed Forces of the Philippines na may insidenteng kinompronta ng biktima ang mga nasabing opisyal kaugnay sa hindi awtorisadong kargamento ng mga kahoy na dala ng cargo ship.

Sinasabing isang suicide note ang natagpuan pero naniniwala ang mga magulang ni Pestaño na sadyang pinatay ang kanilang anak.

Sa kanilang resolusyon na isinapubliko online, binaliktad ng SC First Division ang naging desisyon ng Court of Appeals (CA) noong 2013 na nagpatibay sa 2011 order ng Office of the Ombudsman sa mga kasong administratibo laban sa walong petitioner.

Sabi ng Korte Suprema: “Neither the Ombudsman’s joint order nor the CA decision clearly established any acts that could constitute grave misconduct.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?