43
npa3
Jan 17, 2020 @ 13:31
By

8 NPA sumuko sa Surigao del Sur

Walong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang nagbalik-loob at sumuko sa Philippine National Police (PNP), Miyerkoles sa Surigao del Sur.

Ayon kay Col. James Goforth, PNP-Surigao del Sur provincial director, sumuko ang mga rebelde dahil sa nadaranasang hirap ng buhay sa bundok at nais nilang lumahok sa ibinibigay ng pamahalaan na Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).

Ang mga sumukong NPA ay nag-o-operate sa ilang bahagi ng Davao Region na nakilalang sina alyas Urban, 67, squad leader ng Sub-Regional Guerilla Unit na nakabase sa Cahalinan, Davao City; alyas Diokno, 48, Financial Logistics Officer ng Main Regional Guerrilla Unit; alyas Ryan, 60, vice commanding officer ng Espada Unit.

Kabilang pa si alyas Bryan, 48, miyembro ng GFC 19; alyas Gamay, 30, miyembro ng GFC 19; alyas Rustom, 22, miyembro ng Platoon 1, GFC 19; alyas Ashley, 22, medic ng Platoon 1, GFC 19; at alyas Jonifer, 25, miyembro ng Platoon 8.

Kasabay na isinuko ng mga rebelde ang kanilang mga armas kabilang na ang caliber .45 pistol at dalawang caliber .38 revolver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?