14

Jul 21, 2021 @ 16:53
By

8 nailigtas sa lumubog na bangka

Nailigtas ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Antique nitong Martes ang walong crew member ng isang lumubog na cargo vessel.

Kinilala ang mga na-rescue na sina Anthonio Dimamay, Judy Brabonga, Randy Zafra, Nonjel delos Reyes, Jeffrey Pugata, Nilo dela Cruz, Ronald dela Cruz at Jenrel Arquio.

Sila ngayon ay nasa pangangalaga ng lokal na pamahalaan sa lugar.

Galing umano ang kanilang cargo vessel na MB Roxane-L sa Mindoro at papunta sana sa Barangay Semirara, Caluya, Antique.

Ngunit dahil sa malalakas na alon dulot ng masamang panahon, lumubog ang sasakyang pandagat may three nautical miles sa kanluran ng Semirara.

Bukod pa raw sa malalakas na alon ay nakaranas din ng problema sa makina ang MB Roxane-L.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?