96

8 na kalahok sa MMFF 2017, inanunsiyo na

Sharing is caring!

Inilabas na ng Metro Manila Film Festival ang walong pelikulang opisyal na mga kalahok sa taong ito na 43rd MMFF.

Ito ay ang mga sumusunod:

“All of You” ng Quantum Films sa direksiyon ni Dan Villegas at nagtatampok kina Jennylyn Mercado, Derek Ramsay at Empoy Marquez.

“Gandarrapido, The Revenger Squad” ng Star Cinema at Viva Films sa direksiyon ni Joyce Bernal at bida sina Vice Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla.

“Meant To Beh” ng M-Zet Productions, APT Entertainment at OctoArts Films na directed by ni Chris Martinez na bida naman sina Vic Sotto, Dawn Zulueta at Pauleen Luna.

“Ang Panday” ng CCM Creative Productions, Viva at Star Cinema sa direksiyon ni Rodel Nacianceno na tampok si Coco Martin.

“Deadma Walking” ng Trex Productions sa direksiyon ni Julius Alfonso at starring sina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman.

“Siargao” ng Ten17 Productions sa direksiyon ni Paul Soriano, starring sina Jericho Rosales, Erich Gonzalez at Jasmine Curtis-Smith.

“Haunted Forest” ng Regal Films sa direksiyon ni Ian Lorenos at bida sina Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal at Jon Lucas.

“Larawan” ng Culturtain Musicat Productions Inc. sa direksiyon ni Loy Arcenas at bida sina Joanna Ampil, Rachel Alejandro at Paulo Avelino.

Ang MMFF ay taunang pagdiriwang na isinasagawa sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa na nagtatampok sa mga pelikulang Pinoy at nagsisimula Disyembre 25 hanggang sa unang linggo ng susunod na taon.

Ang aprubado lang ng mga hurado ng MMFF ang maaaring maipalabas sa mga sinehan habang may festival. Hindi rin puwedeng ipalabas ang mga pelikulang banyaga maliban na lang sa 3D theaters at IMAX theaters.

Kabilang ang MMFF sa dalawang major film festivals na nag-iitsapuwera sa foreign films sa loob ng ilang linggo. Ang isa pa ay ang Pista ng Pelikulang Pilipino na ginaganap naman tuwing Agosto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?