53

Aug 5, 2019 @ 14:40
By

8 Manila-Busuanga flights kanselado sa masamang panahon

Kabuuang walong flights ng Manila-Busuanga ang kinansela dahil sa masamang panahon.

Ayon sa Manila International Airport Authority, ito ay ang Skyjet (M8) 715/716, M8 711/712, CebGo (DG) 6041/642 at 6057/6058 Manila-Busuanga-Manila.

Batay sa 11 a.m. weather bulletin nitong Lunes ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, bahagya hanggang sa malakas na ulan ang mararanasan sa hilagang bahagi ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Mindoro, Romblon at Western Visayas.

Huling namataan ang bagyong Hanna sa 875 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan.

Gumagalaw ito pa-north northwest sa bilis na 15 kilometro kada oras at may lakas ng hangin na 85 kph at pagbugsong hanggang 105 kph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?