Bahagyang bumagal ang Tropical Depression Chedeng pero napanatili nito ang kanyang lakas.
Batay sa weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa 650 kilometro ng silangan ng Davao City.
May dala itong lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at pagbugsong 60 kph.
Gumagalaw ito sa bilis na 15 kph pa-kanluran.
Samantala, itinaas na ang Signal 1 sa Davao Oriental, Compostela Valley, Davao del Sur, Davao City, Davao Occidental, Davao del Norte kabilang ang Samal Island, silangang bahagi ng North Cotabato at
silangang bahagi ng Sarangani.
Makararanas naman ng kalat-kalat na bahagya hanggang sa malakas na pag-ulan sa Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Compostela Valley at Davao del Norte nitong Lunes.
Inaasahan namang magla-landfall si “Chedeng” sa eastern coast ng Davao Oriental, Martes ng umaga.