148

By

8 lalawigan sinailalim sa state of calamity

Walong lalawigan na ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa tinamaan ng grabeng pinsala na dulot ng bagyong Tisoy na nag-landfall ng apat na beses bago umalis ng bansa.

Kabilang sa mga lalawigang nagdeklara ng state of calamity ang Sorsogon, kung saan unang nag-landfall ang bagyo kasama ang Albay, na siyang pinakagrabeng tinamaan ng bagyong Tisoy kung saan nawasak ang mga ari-arian kabilang ang Legazpi City Domestic Airport.

Base sa ulat ng Sorsogon Provincial Information Office, umaabot sa P600 milyon ang napinsalang ari-arian sa lalawigan.

Samantala, napinsala rin ang mga agrikultura at imprastraktura na siyang pangunahing pangkabuhayan ng mga residente ng Albay.

Bukod sa dalawang lalawigan ay nagdeklara na rin ng state of calamity sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Nukan, Occidental Mindoro, Calbayog at Arteche sa Eastern Samar gayundin sa lalawigan ng Quezon at Iligan City sa Isabela.

Karamihan sa mga nasabing lalawigan ay wala pa ring kuryente at sira ang komunikasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?