148

Dec 26, 2017 @ 14:10
By

8 katao tiklo sa iligal na sugal

Dinakip ng mga operatiba ng Moriones, Tondo Police Station ng Manila Police District ang walong kalalakihan dahil sa iligal na sugal.

Nangyari ang pagsakote sa mga suspek makaraang mamataan ng mga nagpapatrolyang pulis sa pangunguna ni Supt. Santiago David, Station Commander ng Moriones Police PCP na nagkukumpulan sa bahagi ng Antonio Rivera St, Tondo. nang nagka-cara y Cruz .

Kabilang sa mga nadakip ay sina Joel Maliwat, 51; Roeder Pangan,25; Ruben Tolonghari, 28; Anthony Lazaro, 29; Richard Pelonio, 37; Warren Salivio,24; Herman Sorbito,24 at John-John Manuel, 20.

Nagpulasan ang mga suspek sa ibat-ibang direksiyon pero sila ay nasakote pa rin ng mga pulis.

Nabawi sa mga suspek ang 300 pisong taya sa sugal at iba pang mga ebidensiya na ipipresinta sa piskalya sa oras isalang na sa imbestigasyon ang mga nahuli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?