89

Dec 20, 2017 @ 17:10
By

8 kalsada sa Region 4 at 8 sarado pa rin sa motorista

Sarado pa rin sa mga motorista ang walong road section sa MIMAROPA AT Eastern Visayas bunsod ng baha, landslide at nasirang tulay dahil sa Bagyong Urduja.

Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), patuloy pa rin ang clearing operation sa Sibuyan Circumferential Road sa Romblon dahil sa pinsalang inabot ng Tinimbawan Bridge Detour.

Sa Biliran, sarado naman sa mga motorista ang Naval-Caibiran Cross Country Road, partikular na ang Kilometer 1033+900 at K1041+000; gayundin ang Biliran-Naval Circumferential Road dahil sa nasirang apat na tulay kabilang na ang Catmon, Caray-caray, Santol at Busali Bridges.

Ang mga apektadong motorista na manggagaling sa Tacloban ay maaring dumaan sa Biliran-Cabucgayan-Caibiran-Culaba-Kawayan-Almeria-Naval route na patungo ng Naval at pabalik.

Sa Leyte, apat na road section ang nananatili pa ring sarado partikular na ang Bagahupi-Babatngon-Sta. Cruz-Barugo-Carigada Road dahil sa landslide; Jaro-Dagami-Burauen-Lapaz dahil sa nasirang spillway; Libungao-Matag-ob-Palompon Road at Kananga-Tungonan Hot Spring Road dahil sa nasirang pavement bunsod ng baha at landslide.

Ang tinatayang halaga ng pinsala sa mga national road at tulay ay umaabot na sa P569.72 million.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?