11

By

8 kalsada, 3 tulay itatayo sa Mindanao

Sharing is caring!

Magtatayo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng 11 malalaking imprastraktura sa Mindanao sa pamamagitan ng $380 million loan agreement mula sa Asian Development Bank (ADB).

Ang kasunduan ay nilagdaan nina Department of Finance Secretary Carlos Dominguez at ADB President Takehiko Nakao bilang tulong sa pagpapatupad ng Improving Growth Corridors Road Sector Project.

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na sakop ng proyektong popondohan ng pautang mula sa ADB ang konstruksiyon ng walong kalsada sa Zamboanga Peninsula na may kabuuang haba na 277.23 kilomtero at karagdagang tatlong tulay sa lalawigan ng Tawi-Tawi.

Ipatutupad umano ang mga proyekto mula 2018 hanggang 2023.

Kasama sa mga proyekto na sisimulan nang isailalim sa bidding ang konstruksiyon ngayong taong ito ay ang Alicia-Malangas Road; Tampilisan-Sandaying Road; Lutiman-Guidan-Olutanga Road at Guicam Bridge.

Kabilang din sa itatayo ang mga tulay sa Malassa-Lupa Pula; Tongsinah-Paniongan at Nalil-Sikkiar.

Ang kabuuang halaga ng mga proyekto ay nasa P25.257 bilyon.

“The whole project costs P25.257 billion. With the ADB loan, we can utilize more of our budget to other key infrastructure projects of the government,” paliwanag ni Villar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?