8
afghan

8 journalists, kabilang sa 29 namatay sa kambal na pagsabog sa Afghanistan

Sharing is caring!

Walong mamamahayag ang kumpirmadong namatay, kabilang na ang senior AFP photographer, sa suicide attack sa Kabul, Afghanistan.

Ayon sa ulat, nagpanggap na cameraman ang suspek, na pinasabog ang ikalawang bomba sa lugar kung saan din naganap ang unang pagpapasabog.

Nakigulo ang nagpanggap na cameraman sa umpukan ng journalists sa lugar ng unang pagsabog, ayon kay Kabul City Police spokesman Hashmat Stanikzai sa CNN.

Kabuuang 29 katao ang namatay sa kambal na pagsabog nitong Lunes ng umaga sa kabisera ng Afghanistan.

Samantala, nasa 45 katao naman ang nasugatan sa dalawang insidente ng pagpapasabog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?