13

By

8 huli sa illegal na paghuli ng seahorse sa Negros

Sharing is caring!

Arestado ang walong mangingisda sa isinagawang operations matapos magpositibo ang pulisya sa illegal na panghuhuli ng seahorse ng mga suspek sa Negros Occidental.

Sa pinagsanib na puwersa ng Task Force Lawod of the Negros Occidental Provincial Police Office, Philippine Coast Guard, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Provincial Environment and Management Office, naaresto ang dalawang bangkang de motor na nanghuhuli ng seahorses.

Arestado sina Welmer Pasigna, 34-anyos, kasama ang kanyang tatlong crew na sina Vicente Albarico, 40-anyos; Arwen Morano, 27-anyos; at Jovanie Pilapil, 31-anyos, pawang mga residente ng Barangay Molocaboc, Sagay City at pag-aari ni Adela Pidalan, ng Barangay Punta Salong, Manapla ang ginamit na bangka.

Habang nahuli rin sina Pederick Serapino, 26-anyos, residente ng Barangay Punta Salong, Rodrigo Mallorca, 61-anyos; Reynaldo Lagnaso, 31-anyos; at Mammer Pillipas, 37-anyos, pawang mga residente ng Barangay 2A at pag-aari ni Romelita Abong ng Barangay Punta Salong ang sinasakyang bangkang de motor nina Serapino.

Batay sa report, nagro-roving ang Task Force Lawod kasama ang ilang ahensya para sa seaborne operation sa municipal waters na sakop ng Manapla nang mapansin ang dalawang hindi kilalang fishing boat at nang siyasatin, nabisto na namimingwit sila ng seahorse.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 41 piraso ng seahorse, compressor motor, hose, face mask at wooden fins na panghuli ng seahorse.

Ang mga nasabat na seahorse ay dadalhin sa kustodiya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources habang ang mga kasangkapan ay dadalhin sa Municipal Agriculture Office.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Manapla Municipal Police Station habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa walong mangingisda. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?