By

8 huli sa iligal na sugal, pagsinghot ng shabu

Sharing is caring!

Arestado ang walong kalalakihan na naaktuhan nagsusugal at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang Oplan Galugad ng mga tauhan ng Makati City Police kahapon ng madaling-araw.

Sa detention cell ng Makati City Police ang bagsak ng mga suspek na kinilala ni Sr. Supt. Gerry Umayao, hepe ng Makati City Police na sina Jerlan Olive, Joel Mones, Nestor Tanglao, Paolo Escopin, Harold Dngle, Carlo Escopin, Quintin Calderon, at Michael Drin, na kapwa nasa hustong gulang, at pawang magkakalugar sa Brgy. Pembo, Makati City.

Base sa report dakong ala-una ng madaling-araw nang isagawa ang Oplan Galugad Operation ng mga tauhan ng Makati City police sa Upper Calachuchi St., Brgy. Pembo ng nasabing lungsod.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang arestuhin sila ng mga awtoridad.

Nasamsam sa mga suspek ang dalawang dice pera ang ilang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at mga pharaphernalias.

Hindi naman nagbigay ng ano mang pahayag ang mga nadakip na suspek nang arestuhin sila ng mga awtoridad.

Samantala ang walong suspek ay sasampahan ng kasong Violation of republic act 9165 at PD 1602 sa Malati City Prosecutor’s Office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?