58
8 'fixers' sa LTO, arestado
By

8 ‘fixers’ sa LTO, arestado

Pinagdadampot ng mga awtoridad ang walong sinasabing “fixers” sa Land Transportation Office (LTO) sa Novaliches, Quezon City.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga suspek na sina Ruben San Jose Jr., 41; Ronel Payonga, 36; Archie Sesbreño, 45; Renato Manlangit, 34; Dexter Tequin, 23; Ariel San Jose, 25; Alexander Fiesta, 43; at Leonil Macatuggal, 33.

S report, alas-10:20 ng gabi nang isa-isang damputin ng mga tauhan QCPD Special Operations Unit (DSOU) ang mga suspek sa LTO-Novaliches sa Brgy. Kaligayahan.

Nabatid na isang impormante ang nag-tip sa mga awtoridad na naglipana at madalas umanong nambibiktima ang mga “fixer” sa tapat ng tanggapan ng LTO sa nasabing lugar.

Dahil dito, agad kumilos ang mga operatiba kung saan naaktuhan ang mga suspek sa kanilang iligal na aktibidad at agad na binitbit patungong presinto.

Nakapiit ngayon ang mga suspek sa detention cell ng DSOU habang inihahanda ang kaso nilang paglabag sa Anti-Fixing Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?