5

Sep 17, 2020 @ 16:12

8 empleyado, 7 pasyente sa Silay hospital nagpositibo sa COVID-19

Ini-lockdown ang ilang section sa isang ospital sa Silay City, Negros Occidental simula Miyerkoles.

Ito’y makaraang magpositibo sa virus ang walong staff member at pitong pasyente ng Teresita L. Jalandoni Provincial Hospital.

Sarado ng isang linggo ang mga operating at delivery room ng ospital, ayon sa ulat.

Apat na araw namang ila-lockdown ang pediatrics, internal medicine at dialysis section pero bukas ang kanilang emergency service.

Kabilang sa mga empleyadong nagpositibo ay doktor, nurse supervisor at anesthesiologist.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?