33
men-in-jail-arrested-shabu
Jul 8, 2018 @ 15:45
By

8 dinakma sa shabu sa Tondo

Inaresto ng mga operatiba ng Raxabago-Tondo Police Station-1 ang walong indibidwal na pawang nasa drugs watchlist sa isinagawang operasyon Sabado gn gabi.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Avelino Saucelo, 67 anyos; Emely Sucelo, 49 anyos; Manuel Mangalonzo 41 anyos; Lito Saucelo, 25 anyos; Wilson Bayuga, 50 anyos; Jaymar Pitoc, 27 anyos; Ramil Garcia, 52 anyos at Ramona Manposte, 23 anyos.

Nasakote ang nabanggit na mga suspek sa 1 Area 32, Gawad Kalinga Compound, Baragay 105, Tondo, Manila pasado alas 5:00 hapon ng Sabado.

Kabilang sa mga ibedensiyang narekober ng mga otoridad mula sa mga suspek ang 1-piraso ng medium heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu; 15-piraso ng small heat sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng shabu; 3-strip ng aluminum foil; 2-piraso ng (2) improvise aluminum foil tooter; 1-black pouch na naglalaman ng shabu at 2-piraso ng improvised shogun o “Sumpak”; 5-piraso ng bala ng 12 Gauge shotgun; at 2-caliber 38 revolvers.

Kapag nakumpleto na ang mga dokumento ay kaagad na ipaghaharap ng paglabag sa pag RA 9165 at RA 10591 ang mga suspek sa piskalya ng Maynila.

Pansamantala nang nakapiit sa Custodial Facility ng Raxabago Tondo Police Sation ang mga nahuling suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?