48

By

8 Chinese dinampot ng Immigration sa Divisoria

Hinuli ang walong Chinese na aktong iligal na nagtitinda sa Divisoria, Maynila ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI).

Ang mga dayuhan na naaresto ay nahuli sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa isang sikat na shopping mall na sakop ng distrito ng Binondo.

Binigyang diin ni BI Commissioner Jaime Morente na ipinagbabawal sa ilalim ng Immigration Act na magtrabaho sa bansa ang sinumang dayuhan nang walang work permit o visa.

“The presence of these illegal foreign vendors robs our small Filipino businessmen of livelihood opportunities,” saad ni Morente.

Kinilala naman ni BI Acting Intelligence Chief Fortunato Manahon Jr ang mga naarestong dayuhan na sina Cai Zhongyong, Wang Liyan, Cai Yahui, Cai Shaorong, Shi Qingliang, Cai Shunli, Cai Jianting, at Lin Jiaxian.

Ilan pa umano sa mga dayuhan ay nagtangka na suhulan ang mga operatiba ng BI nang sila ay arestuhin noong September 20 at 21.

Nasa BI Legal Division na umano ang kaso ng walong dayuhan para sa pagsusulong ng deportation proceedings.

“The Commissioner has ordered the strengthening of the Intelligence Division to ensure that we catch these illegal aliens that blatantly disregard our laws,” dagdag ni Manahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?