2,697

May 6, 2020 @ 16:37
By

8-buwang sanggol tinamaan ng COVID sa Olongapo

Isang 8-buwang gulang na babaeng sanggol ang isa sa dalawang naiulat na bagong COVID-19 positive sa Lungsod ng Olongapo.

Ang nasabing sanggol ang pinakabatang naiulat na tinamaan ng coronavirus sa lungsod, bagaman hindi malaman kung paano at saan niya nakuha ang virus, ayon kay Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr.

Gayunman, sa ngayon ay nasa maayos na kalagayan aniya ang sanggol.

Samantala, ang pangalawang bagong nagpositibo ay isang 29-taong-gulang na babaeng nagtatrabaho bilang health worker sa Lalawigan ng Bataan at ngayon ay nasa maayos ding kalagayan.

Dahil dito, 11 na ang kabuuang bilang ng kaso sa lungsod. Nasa 75 naman ang naitatalang nagpapakita ng sintomas ng COVID-19 sa lungsod, Martes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?