11

Oct 20, 2020 @ 16:19
By

8 bagyo tatama sa ‘Pinas bago matapos 2020 – NDRRMC

Asahan pa ang hanggang walong bagyo na mararanasan sa bansa bago matapos ang taon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes.

Isa o dalawang bagyo ay malakas at magdudulot ng pinsala, dagdag ng NDRRMC.

“Makakaasa pa tayo siguro, bago hanggang sa katapusan ng Disyembre na mga lima hanggang walo na bagyo,” pahayag ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jala sa isang online Palace briefing.

“Sa karanasan naman natin usually mayroong isa o dalawa sa mga bagyo na ito na maaaring makapaminsala nang husto o malakas,” aniya pa.

Nitong Martes, inilagay sa Signal No. 2 ang 13 lugar sa bansa habang Signal No. 1 naman sa 12 na lugar dahil sa bagyong Pepito, na inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Huwebes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?