823

Feb 16, 2020 @ 16:54

8-anyos na babae, ginahasa ng 15-anyos sa maisan

Arestado ang isang 15-anyos na lalaki matapos gahasain ang kanyang kalarong walong taon na batang babae sa gitna ng maisan sa bayan ng Baggao, Cagayan nitong Sabado.

Ito ang kinumpirma ng Women and Children’s Baggao Protection Desk (WCPD) na hindi na pinangalanan ang biktima.

Samantala, ang suspek ay kinilala lamang sa pangalang Richard.

Ayon kay P/Master Sgt.Glenda Geron, WCPD Chief ng PNP Baggao, nakikipaglaro umano ang biktima nang pinilit itong dalhin ng 15-anyos na suspek sa maisan ng nasabing bayan.

Sinabi ni Geron, sinubukan pa ng biktima na magpumiglas ngunit hinila ito ng sapilitan sa naturang lugar na pinangyarihan ng panggagahasa.

Ayon sa sa opisyal, nakita ng tatay ng biktima ang kanyang anak sa gitna ng maisan.

Nang tawagin ng ama ang anak ay dito na sumigaw at humihingi ng tulong ang bata habang agad namang tumakbo si Richard.

Dito, agad na nagreport ang tatay ng biktima sa BPS kasama ang barangay official kaya’t agad na nahuli ang 15 na suspek.

Batay naman sa pagsusuri ng mga doktor ay positibo sa pagkakagahasa ang biktima.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD) ang suspek na nakatakdang isailalim sa inquest proceedings.

Nabatid na ang biktima ay isang mag-aaral habang ang suspek ay out of school youth.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?