31

8-anyos kinutsilyo ang 3 kaklase sa Minnesota

Sharing is caring!

Kumuha ng kutsilyo ang isang 8-anyos na estudyante at inatake ang mga kaklase nito sa Minnesota elementary school.

Ayon sa ulat, nagtamo ang tatlong biktima na may edad 8, 9 at 13 ng malalaking hiwa na kinailangang tahiin.

Nangyari ang insidente noong Lunes bago ang klase sa Pleasantview Elementary sa Sauk Rapids. Wala namang naiulat na iba pang nasaktan bukod sa tatlong estudyante.

Ininterbiyu umano ang bata matapos nito at ini-release rin sa kanyang mga magulang.

Dadalhin ang naturang kaso sa county prosecutor’s office.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?