74
medals
Apr 25, 2018 @ 18:46
By

8.5K athletes rambol sa 2.8 PNG medals

May 8,500 national athletes, training pool members at naghahangad na mga mapabilang doon sa kapuluan ng bansa ang magtatagisan ng galing para sa 2,800 medals sa 22 sports sa ratsada ng 9th Philippine National Games 2018 na pagkaabalahan ng Cebu Province at Cebu City sa papasok na buwan.

Innunsiyo sa media briefing ito kahapon sa PSC conference room nina Chairman William Ramirez at Commissioner Ramon Fernandez ng Philippine Sports Commission, ang organizer ng isang linggong event.

“Ang PNG ay pattern sa China Games,” pahayag ni Ramirez sa kumpetisyong kilala ring “National Olympic Games,” susulong sa Mayo 19-25 at nabuo sa panahon ni dating PSC commissioner at Phil. Olympic Committee president Celso Dayrit noong 1994.

Kinilala ng PSC ang mga partner na Department of Interior and Local Government at LGUs kaya kakatawanin ng national athletes dito ang kanilang LGU.

“All national athletes participating in the PNG will be represented by their LGUs,” hirit ni Fernandez, na dinagdag na magkakaloob ang government sports agency ng P15-million cash incentives sa top 5 LGUs, hahahatiin sa P5M, P4M, P3M, P2M at P1M.

Ang nasabing halaga’y maaring magamit ng LGUs sa kanilang sports program gaya sa pagpapaaral sa kanilang coaches, pagbili ng equipments at pondo sa iba pang gastusin.

Lalaruin dito ang athletics, archery, arnis, badminton, boxing, chess, cycling (mountain bike, road race, individual time trial at criterium), dancesport, judo, karatedo, sepak takraw, softball (mens at womens), swimming, table tennis, taekwondo, tennis, triathlon, volleyball (beach women/indoor men-women), weightilifting, gymnastics at rugby.

Ilalarga ang 20 sports sa 12 playing venues sa Cebu City, Danao City, Naga City, Tabuelan City at Lapu-lapu City. Ang gymnastics at rugby lang ang gaganapin sa Metro Manila nang mas maaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?