84

Jan 10, 2019 @ 20:44
By

8-0 pinalo ng Arellano, Ebuen deliber ng 16 pts

Tuloy-tuloy ang pag-alagwa ng Arellano University Lady Chiefs sa women’s volleyball ng NCAA Season 94.

Napanatili ng Lady Chiefs ang malinis na 8-0 record sa eliminations nang ligwakin sa loob ng apat na sets ang University of Perpetual Help 18-25, 25-16, 25-19, 26-24 Huwebes sa The Arena sa San Juan City.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Arellano para mawalis ang eliminations at agarang makalusot sa Finals ng liga.

“‘Yun talaga ang plano namin this season, mas magands ‘yung nakatungtong ka na sa Finals (tapos) mag-aabang ka na lang kung sino ‘yung makakalaban talaga,” wika ni Arellano coach Obet Javier.

“Pero meron pa kaming game (against) Beda, ibang usapan din kasi ‘yung sa Beda. Alam namin ‘yung Beda caliber sila, so bukas sa practice namin babalikan lang namin ‘tong game sa Perpetual tapos game plan na kami papuntang Beda.”

Nanguna para sa Lady Chiefs si Nicole Ebuen na pumalo ng 16 na puntos, sa likod ng 12 attacks at apat na blocks at bumakas naman si Regine Arocha ng 11 puntos.

Sa dikdikang fourth set, lumaban ang Perpetual at nagawang maitabla sa 24 ang laro para maipwersa ang decider pero agarang naiangat ni Ebuen ang iskor at sa isang attack error mula kay Cindy Imbo naiuwi ng Arellano ang ikawalo nitong sunod na panalo.

Bagsak naman 4-3 ang baraha ng Lady Altas at nanganganib pa ang pwesto sa Final Four kung hindi nito ipapanalo ang huling laro nito.

Sa unang laro naman, nasungkit na ng Colegio de San Juan de Letran ang ikalawa nitong panalo nang madapain ang Mapua University 14-25, 26-24, 23-25, 25-17, 15-13.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?