26

7th straight win ibinaon ng Rockets kontra Lakers

Sharing is caring!

Nakapagtala ng 36 na puntos at siyam na assists si James Harden habang may ambag na 22 si Eric Gordon sa patuloy na pananalasa ng Houston Rockets matapos itumba ang Los Angeles Lakers sa kanilang hometown, 118-95, nitong Linggo (Lunes sa PHL).

Nakapuntos din si Chris Paul ng 21 para sa ika-pitong sunod na panalo ng Rockets.

Hindi pa rin nakatulong si Los Angeles rookie point guard Lonzo Ball sa kanyang koponan matapos magmintis sa apat na tira at makapagbaon lang ng dalawang puntos at tatlong assists.

Si Kyle Kuzma ang nanguna sa Lakers na mayroong 22 na puntos habang may 18 si Brandon Ingram sa ika-limang sunod na semplang ng Los Angeles.

Lumamang ng 15 na puntos ang Houston sa pagtatapos ng 2nd half, 34-19, ngunit hindi nagpatinag ang Lakers at sa 6:14 na nalalabi sa 3rd quarter ay naibaba nila ito sa tatlong puntos na lang na kalamangan sa tulong ni Kentavious Caldwell-Pope, na may nakuhang 10 points.

Ngunit naibaba man ng Los Angeles sa one-possession game ay umarangkada naman ang Houston ng siyam na puntos.

Dito’y hindi na nakadikit pa sa scoring ang Lakers hanggang sa 4th quarter ng laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?