5
ricky
By

‘7th place lalampasan natin’ – Vargas

Sharing is caring!

Hangad ng Philippine Olympic Committee na malampasan ang pampitong puwesto ng Pilipinas sa 29th Southeast Asian Games 2017 sa Malaysia kapag binalikat ang 30th SEA Games sa Nobyembre 30-Disyembre 10, 2019 sa Capas-Tarlac, Subic Freeport at Metro Manila.

Ito ang pinahayag ni POC at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee President Victorico ‘Ricky’ Vargas sa press briefing pagkaraan ng wakas ng dalawang araw na SEA Games Federation council meeting sa Shangri-La Hotel sa BGC, Taguig kahapon.

Nasa okasyon din sina SEAGF Executive Committee Chairman/Fencing Confederation of Asia President Celso Dayrit, POC officials Abraham Tolentino (Chair), Patrick Gregorio (Secretary General at Philsgoc Director General), Philsgoc Executive Director Ramon Suzara at Indonesian Olympic Committee President Erick Tohir.

“We would like to surpass our 7th place (SEAG sa Malaysia) last year, looking for top 3,” bulalas ni Vargas sa biennial, 11-country sportsfest .“And if we have a chance the overall championship we would like to do so.”

Inirekomenda naman ni Dayrit base sa pulong ng kanyang komite noong Mayo 16 ang inisyal na 34 sports para sa nalalapit na 2019 SEAG na nais din ng POC. Pero tatanggap pa ang SEAGF mula sa ibang National Olympic Comitteeng karagdagan hanggang Hunyo 13 saka pagtitibayin ang pinal na talaan ng SEAGF sa Nobyembre.

At binanggit naman ni Suzara na ang main hub ay ang New Clark City sa Capas, Tarlac para sa opening at closing ceremonies, kasama ang athletics at aquatics at iba pang sports. Mayroon din aniyang lalaruin sa Subic Freeport gaya ng triathlon at duathlon, at iba pa, at sa Metro Manila tulad ng basketball (MOA-at Cuneta Astrodome-Pasay), volleyball sa (Big Dome).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?