14
views

By

7K NPA, tagasuporta sumuko sa loob ng 5 buwan – AFP

Sharing is caring!

Umabot na sa 7,194 na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at kanilang supporters ang sumuko sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sinabi ni AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, ang bilang na ito ay naitala mula buwan ng Enero hanggang ngayong buwan ng taong kasalukuyan.

Ang huling nairekord ng AFP na sumuko sa militar ay ang tatlong NPA na nagtungo sa Joint Task Foce National Capital Region na iprinisenta kahapon sa media sa Camp Aguinaldo.

Sa bilang na ito, 628 na mga baril ang kanila ring isinuko sa militar.

Ayon kay Arevalo, ang sunod-sunod na pagsuko ng mga rebelde ay senyales na nagiging epektibo ang panawagan ng gobyerno dahil na rin sa pangako sa mga ito na bibigyan ng kabuhayan kung ibababa ang kanilang mga armas.

Una nang nai-tour sa Metro Manila ang ilang daang mga rebel returnees na nanggaling sa Mindanao at nakasamang maghapunan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang makaraan na magdesisyong sumuko na sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?