45
pldt
By

7K manggagawa ng PLDT, pinare-regular ng DOLE

Sharing is caring!

Pinal nang ipinag-utos ng Department of Labor and Employment (DOLE) na gawing regular sa trabaho ang mahigit pitong libong manggagawa o kabuuang 7,306 manggagawa ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT).

Ito ay makaraang ibasura ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang motion for reconsideration ng PLDT na humihiling na baligtarin ang naunang resolusyon ng DOLE noong January 10, 2018.

Sa kinukuwestiyong kautusan ng DOLE, pinagbabayad din ng kagawaran ang PLDT ng P51.6 million bilang benepisyo sa mga manggagagawa nito

Sa resolusyon na may petsang April 24, ibinasura ni Bello ang apela ng PLDT at ng tatlumpu’t lima nitong contractor dahil sa kawalan ng merito.

Pinagbigyan naman ni Bello ang apela ng apat na contractor ng PLDT.

Partikular na pinanindigan ng DOLE na gawing regular sa trabaho ng PLDT ang mga manggagawa na mula sa Activeone Health Incorporated, Aremay Enterprise, BBS-VPN Allied Services Corporation Philippines, Best Options Assistance Incorporated, Comworka Inc, Consolidated Management Resources, Curo Teknika Inc at Diars Assistance Inc.

Ayon sa DOLE, maituturing kasi na labor-only contracting ang pagdeploy ng mga nasabing kumpanya ng manggagawa sa PLDT.

Sakop din ng direktibang ito ang iba pang kumpanya na nagsusuplay ng manggagawa sa PLDT.

Ang apat naman na kumpanya na idineklara ng DOLE bilang lehitimong contractor at ang: Customer Frontline Solutions Inc, Pro Tek Telecoms Support Inc, SL Temps, St. Clair Security and Investigation Inc, and Trigold Security and Investigation Agency Incorporated.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?