66

Nov 3, 2017 @ 18:08

7K law graduates sasabak sa bar exams simula sa Linggo

Kabuuang 7,277 na nagtapos ng abogasya ang kukuha ng 2017 Bar Examinations na magsisimula na sa November 5, araw ng Linggo.

Ayon sa Korte Suprema, mas mataas ang nasabing bilang kumpara sa 6,831 na bar examinee noong nakaraang taon.

Ang pagsusulit na gagawin sa loob ng apat na araw ng Linggo ng Nobyembre (November 5, 12, 19 at 26) ay idaraos sa University of Sto. Tomas sa Sampaloc, Maynila.

Nahahati ang pagsusulit sa walong asignatura kabilang na ang Political Law, Civil Law, Taxation, Labor Law, Criminal Law, Remedial Law, Mercantile Law at Legal and Judicial Ethics.

Naghanda na rin ang Korte Suprema ng contingency measure sakaling hindi maging maganda ang lagay ng panahon sa nabanggit na mga petsa.

Sa ilalim ng Bar Matter No. 20 na nilagdaan ni Deputy Clerk of Court at Bar Confidant Ma. Christina Layusa, sampung bus ng Korte Suprema ang idedeploy sa iba’t ibang mga lugar sa Metro Manila para maghatid sa mga examinee patungo ng UST campus sakaling maging maulan ang panahon.

“In case of heavy rain in the morning of a Bar examination day, a limited number of Supreme Court buses shall be available to transport Bar Examinees and duty personnel to the University of Santo Tomas (UST) from the following pick-up points: Quezon City Memorial Circle (2 buses), Park and Ride, Lawton, Manila ( 1 bus), Supreme Court Compound, Taft Avenue (2 buses), EDSA Magallanes Flyover, Pasay City (2 buses beneath the flyover, Greenbelt and Glorietta, Ayala Center, Makati (2 buses) and at the Marikina Sports Complex (1 bus),” ang bahagi ng contingency plan ng Korte Suprema. (Maricel Diaz)

Sa ikalawang araw naman ng pagsusulit na gagawin sa November 12, pinapayuhan ang mga examinee na gumamit ng mga alternatibong ruta dahil magiging mahigpit ang pangangasiwa sa traffic sa Roxas Boulevard bunsod ng ASEAN Summit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?