70

By

79K pumasa sa board exams para sa titser

Sharing is caring!

Kabuuang 79,212 ang nakapasa sa licensure examination para mga guro nitong Setyembre.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), 18,409 elementary teachers out of 90,750 examinees at 60,803 secondary teachers out of 126,582 examinees ang pumasa sa exams.

Sa elementary teachers na pumasa, 17,200 sa kanila ang first timers habang 1,209 ang repeaters.

Habang sa secondary teachers, 52,453 passers ang first timers habang 8,350 ang repeaters.

Nanguna sa pagsusulit para sa elementary teachers si Rhea Joy Yebes Genson na mula sa University of Southeastern Philippines-Davao City sa iskor na 89.80 percent.

Samantala, naghari naman sa licensure exams para sa secondary teachers si Francis Dave Perez Cabanting, na mula rin sa nasabing eskuwelahan, sa iskor na 92.80 percent.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?