22

Oct 8, 2021 @ 10:14
By

797K Pfizer vaccine umulan pa sa Pinas

Dumating pa sa bansa ang halos 800,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine.

Ayon sa ulat ng GMA News, lumapag na nitong Huwebes ng gabi ang 797,940 doses ng Pfizer vaccines sa Ninoy Aquino International (NAIA) Terminal 3.

Ani Vaccine Czar Carlito Galvez, bibigyang-prayoridad ng pamahalaan sa pagpapaambon ng bakuna ang Region 3, CALABARZON, Region 10 at 6.

Ani Galvez, may darating pang susunod na batch ng Pfizer vaccines sa susunod na lingo. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?