69

Sep 14, 2021 @ 16:06
By

79 Pinoy abroad nahawa ng COVID

Naitala nitong Lunes ang 79 karagdagang bilang ng mga Pilipino sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 23,115 ang total cases ng Pinoy overseas na nagpositbo sa virus.


Bahagya namang umakyat sa 1,382 ang death toll rate nito matapos madagdagan ng 6 bagong nasawi.

Samantala, naitala naman ng Departement of Foreign Affairs ang 113 bagong nakarekober sa COVID.

Dahil dito, sumirit na sa 13,328 Pinoy sa ibang bansa ang nakaligtas sa nakamamatay na virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,