115

Jul 4, 2018 @ 11:11
By

79 NPA member sa Negros Occidental, sumuko na

Sumuko na at handang makipagtulungan sa pamahalaan ang may 79 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na taga-Negros Occidental, kamakalawa.

Ayon kay Col. Alberto Desoyo, commander ng 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army, kusang sumuko ang mga dating rebelled dahil marahil sa hirap ng buhay nila sa kabundukan.

Iniharap ng Philippine Army ang 79 rebel returnees kay Negros Occidental Governor Alfredo Marañon Jr. na labis ang pasasalamat dahil sa pagsagip sa kanila sa kabila ng pangakong makikipagtulungan sa pamahalaan.

Kabilang sa mga pangako ay pagpapaaral sa mga anak ng mga nagbalik loob na sundalo, pagbibigay ng trabaho at suporta sa pamilya na labis na nagustuhan ng mga rebelde na wala umano sa kanilang unang napiling organisasyon.

Isang Ka Glen, dating political adviser ng NPA ang nagsabi na nakamulat ito sa masamang ideyolohiya ng kanilang organisasyon kaya’t nagdesisyon itong umalis sa komunistang grupo.

Sa kanila nito, tiniyak ng Philippine Army na bukas ang mga sundalo sa localized peace talks at handa silang tanggapin ang mga rebelled na nais nang magbalik loob sa pamahalaan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?