300

Dec 18, 2019 @ 19:02
By

79-anyos na lola, model ng lingerie

Suot lang ang lacy bra at panty, hindi nagpatalbog sa paseksihan ang isang lola sa isang photoshoot sa Sao Paulo, Brazil.

Si Brazilian Helena Schargel ang modelo ng pinakabagong lingerie designs for women na edad 60 pataas.

Matapos ang ilang dekada ng pagtatrabaho sa kumpanya ng mga tela, nagretiro si Schargel dala ang misyon na maging inspirasyon sa kapwa niya matatandang babae.

Ang taktika niya, mag-design ng mga seksing damit para sa mga ito at siya mismo ang nagmomodel.

Marami nang underwear collections na nilunsad si Schargel sa Recco Lingerie sa Brazil.

Dahilan ni Schargel, marami aniyang kababaihan edad 60 pataas ang hindi nabibigyang-pansin ng mga fashion company.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?