451

Dec 24, 2017 @ 16:11

77% ng Pinoy ‘happy’ ang Pasko ngayong 2017 — SWS

Tatlo sa apat o 77 porsiyento ng mga Pinoy ang umaasang magiging masaya ang kanilang Pasko ngayong taong ito, ayon sa Social Weather Stations survey.

Sa isinagawang survey noong Disyembre 8-16, ang 77 porsiyentong nagsasabing masaya ang kanilang Pasko ay pinakamataas sapul noong 2003.

Limang porsiyento naman ng mga respondents ang nagsabing magiging sad o malungkot ang kanilang Pasko ngayong taong ito.

Samantala, 18 porsiyento naman ng mga respondents ang nagsabing “neither happy nor sad” ang Pasko nila ngayong 2017.

Ang survey ay may 1,200 na respondents sa buong bansa at may sampling margin of error na ±3 percent para national percentages, at ±6 percent naman sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?