10
views
joel-embiid

76ers pinalamig ang Heat sa playoff opener

Sharing is caring!

Walang Joel Embiid, walang problema para sa Philadephia Sixers.

Nag-ukit si Ben Simmons ng 17 puntos, 14 assists at siyam na rebounds sa kanyang playoff debut at tinambakan ng Sixers ang Miamit Heat 130-103 Sabado ng gabi (Linggo sa Pilipinas).

Sa pangunguna ng tig-apat na tres nina JJ Redick at Marco Belinelli, nagtala ang 76ers ng play-off record na 18 3 pointers sa 28 attempts.

Walang sagot ang Heat sa mga super subs ng Sixers na si Ersa Ilyasova at Belinelli na may pinagsamang apat na 3-pointers sa third quarter.

Nanguna sa Sixers si Redick sa kanyang 28 puntos, may 25 si Belinelli at may 17 si Ilyasova. Nakatakda ang Game 2 sa Philadephia pa rin. AP

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?