18

Jun 8, 2021 @ 11:40

76ers pinagmulta dahil sa tweet

Pinagmulta ng $75,000(P3.5 milyon) ang Philadelphia 76ers  at ang kanilang president for basketball operations na si Daryl Morey dahil sa paglabag sa anti-tampering rule ng NBA.

Ito ay kaugnay ng tweet ni Morey noong Huwebes kung saan tila inaanyayahan niya na pumirma sa 76ers si Golden State guard Stephen Curry.

Sa tweet ay naroon ang screenshot ng isang post ni Curry kung saan pinupuri niya ang nakababata niyang kapatid na si Seth, na naglalaro sa 76ers.

Sinabayan pa ito ni Morey ng caption na ‘join ‘em.’

Kamakailan lamang kasi ay umiskor ng 30 points si Seth sa isang playoff game na siya namang ikinatuwa ni Steph. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?