19
jj-redick
Apr 9, 2018 @ 13:18
By

76ers pinadapa ang Mavericks para sa 14 sunod na panalo

Umiskor si JJ Redick ng 18 puntos at tinalo ng Philadelpia 76ers ang Dallas Mavericks 109-97 para sa kanilang 14 sunod na panalo, isang franchise record.

Nag-ambag si Ben Simmons ng 16 puntos, pitong rebounds at siyam na assists habang may 15 puntos at 10 rebounds si Robert Covington.

Dalawang taong matapos makapagtala ng 10-72, nakuha ngayon ng Sixers (50-30) ang home-court advantage sa unang round ng playoffs.

Nakuha nila ang kauna-unahang 50-win season sapul noong 2000-01 sa pamumuno noong ni Allen Iverson kung saan natalo siya sa Finals kontra LA Lakers.

Huling nakatikim ng 14 sunod na panalo ang Sixers noong panahon ina Dr. J at Moses Malone kung saan nag-champion ang mga ito noong 1983.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?