118

By

76ers, Butler pumwersa ng Game 7

Kapana-panabik ang aksyon sa pagitan ng Toronto Raptors at Philadelphia 76ers, tila pantay ang lakas ng dalawang koponan.

Sa Game 6, bumalikwas ang 76ers matapos durugin ng Raptos sa nakaraang laro, kinubra ang 112-101 win para mapwersa ang Game 7 winner-take-all match na magdidikta kung sino ang makakaharap ng Milwaukee Bucks sa Eastern Conference Finals.

Una pa lang, nagpasiklab na ang 76ers, nagpakawala ng 13-5 blast sa simula ng laro. Nakabawi ang Raptors matapos makuha ang dalawang puntos na abante paapsok ng second canto.

Ngunit kaagad na humarurot ang Philly, nagpakawala ng 13-2 run para makuha ang 19-point lead.

Sa first half naghari si Jimmy Butler, 19 puntos kaagad ang sinalpak para itarak ang 15 point advantage papasok ng second half.

Sa third ay nagpakilala na si Joe Embiid, pumuntos ng 10 sa quarter para mapalawig ang lamang sa 20 sa final canto na hindi na nahabol pa ng Raptors.

Tumapos si Butler ng may 25 points, eight assists at six rebounds.

“The way he started, even the way he ended the first half, he just stamped his authority, and his skill package and his will … he was all over that game,” ayon kay Philly coach Brett Brown. “The mood in the locker room as we went through sort of an early shoot around … before, you could sense the serious side. They got the moment, and I think he got it as much as anybody and led us. He’s a tremendous leader, and his performance mirrored his attitude.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?