97

Dec 29, 2017 @ 9:36
By

76-anyos na lolo, patay sa sunog sa Makati

Nasawi ang isang lalaki nang masunog ang kanyang tahanan sa Bel-Air Village, Makati City Huwebes ng gabi.

Ayon kay Supt. Roy Aguto, fire marshal ng Makati Bureau of Fire Protection, patuloy pa nilang inaalam ang pagkakakilalan ng 76-anyos na biktima.

Natagpuan diumano ang biktima sa comfort room ng kanilang bahay, nakadapa at patay na.

Nag-umpisa ang sunog alas-11 ng gabi at naapula bago mag-alas-12 ng madaling araw.

Patuloy ang pagsisiyasat ng mga arson investigaros sa sanhi ng sunog. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?