59

Feb 19, 2020 @ 10:06
By

75K nahawa, 2K namatay sa coronavirus

Humampas na sa 75,176 ang tinamaan, habang 2,008 na ang pumanaw sa novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) hanggang ngayong Miyerkoles ng umaga.

Malaking bahagi ng mga kumpirmadong kaso ang mula sa mainland China (74,163 ) at sa Diamond Princess cruise ship na naka-quarantine sa Japan (542).

Sa Pebrero 19, 2020 na tala rin ng Johns Hopkins CSSE tracker, umakyat na sa 14,417 ang mga gumaling sa naturang virus.

Sa Pilipinas, tatlo pa rin ang nagpositibo habang 137 ang nasa ospital dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?